Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month 2025 na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas”, buong sigla at dedikasyong nakiisa ang mga kolehiyo at unibersidad sa mga makabuluhang aktibidad mula Marso 1-31, 2025.








Aktibong nakilahok ang mga estudyante ng bawat kolehiyo sa iba’t ibang aktibidad tulad ng mga seminar ukol sa mga batas at karapatang pangkababaihan, clean-up drive, poster making contest, advocacy walk, at iba pang gawaing layong palalimin ang kaalaman at kamalayan tungkol sa gampanin ng kababaihan sa lipunan.
Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang simbolikong paggunita, kundi isang konkretong hakbang tungo sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay, paggalang, at tunay na pagkilala sa mahalagang papel ng kababaihan sa pagtataguyod ng isang mas maunlad at makatarungang lipunan.
#2025NationalWomensMonth #BabaeSaLahatNgSektorAangatAngBukasSaBagongPilipinas