Nakilahok ang Isabela State University Echague Campus sa sabayang pagpapa-ilaw ng Christmas Tree na may temang “ISUbituin 2024: Isang Sinag ng Ugnayan” na kung saan ay sabay-sabay na nagpailaw ng kanilang Christmas tree ang iba’t-ibang campus ng unibersidad.
Sa kabila ng sunod sunod na pagtama ng bagyo sa rehiyon, ang naturang puno ay sumisimbolo ng pag-asa, pagmamahal at pagkakaisa.