
Ang Isabela State University Echague Campus ay nakilahok sa pagdiriwang ng 2025 National Women’s Month na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas” kasabay ng iba pang campus ng unibersidad noong Lunes, Marso 10, 2025.
Nakilahok sa nasabing pagdiriwang ang mga estudyante, mga guro at mga kawani ng unibersidad na kung saan ay nagsagawa ng parada sa loob ng campus at itinuloy naman ang iba pang aktibidad sa Administration Building. Naimbitahan din sa pagdiriwang si Hon. Jessica Gallegos-Dy upang magbigay ng mensahe patungkol sa selebrasyon.
Sa buwang ito, ipinagdiriwang natin ang mga tagumpay ng kababaihan sa iba’t ibang larangan at patuloy na isinusulong ang kanilang karapatan at pagkakapantay-pantay. Nawa’y magpatuloy ang ating pagtangkilik sa kanilang mga adhikain at magbigay ng suporta para sa mas makatarungan at mas inklusibong kinabukasan.